Saan, Kailan at Paano?
Saan
kaya ako papawirin ng aking mga paa?
Saan
kaya ako ilalagay ng mga pangarap ko?
Dalhin
kaya nito ako patimog o pahilaga?
Ako
bay mahuhulog sa gitna’t doo’y mapapako?
Kailan
kaya ako mapapadpad sa paroroonan?
Kailan
ko kaya matitikman ang tamis ng tagumpay?
Makakamit
ko ba talaga ang aking ninanais,
Na
pag-unlad dala ng aking hirap, hikbi at pawis?
Paano
ko kaya masusungkit ang aking mithiin?
Paano
ko masisigurong ito ay maaangkin?
Makukuha
ko kaya ito sa likha at dalangin?
O
Diyos ko ang mga panalangin ko’y nawa ay dinggin.
0 Response to "Saan, Kailan at Paano?"
Post a Comment