Muling Pagbangon

Noon ako’y nabigo sa pag-abot ng aking ninais,

Pilit kong ikinukubli ang luha sa aking pisngi,
Upang walang makasaksi sa aking pagtangis;
Gusto kong ipakitang masaya ako’t ngumingiti.

Ngunit hindi ko kayang ikubli ang lahat ng nangyari,
Hindi ko kinayang amining ako muli ay natalo,
Laman ng isip ko’y hindi ko mapagwari,
Tuloy sumulpot sakit ng katawang matagal napalang nakatago.

Pilit kong nilabanan ang sakit pero hindi ko ito matakasan;
Para itong aninong sumusuonod kahit saan at kailan.
Sa takot na magkasakit muli ako’y talagang nag-ingat,
Mahigpit kong pinagbawalan ang sarili sa pag-aaral ng magdamag.

Gayun pala’y paraan ko’y bulok,
Kaya’t ako’y natalo na naman at lugmok.
Ako’y nahihiya sa  balitang dala ko pauwi,
Na ako na naman ay talunan at sawi.

Nahihiya ako sa ’king nga magulang,
Na siyang nagpaaral, nag-aruga’t nagpakahirap,
Mula pa noong ako’y isinilang.
Para sa ’king buhay sa hinaharap,

Ako’y nagsimulang mag-unat ng paa,
Upang kahit paunti unti ako’y may mapala,
Sa bagong daang aking tinatahak,
Nawa’y sa hinaharap ito’y magbigay ng kasiya’t galak.

Ako ngayo’y gumagawa ng maliliit na hakbang,
Susulitin ko ang natiitirang panahon.
Wala akong mararating kung hindi ko susubukang,
Tahakin ang bagong landas para sa ’king muling pagbangon.

0 Response to "Muling Pagbangon"

Post a Comment

Powered By Blogger