Pinta ng Katotohanan
Marami sa atin na ang tanging
nakikita ay ang sariling kapakanan lang. Marami sa atin ang nagbubulagan sa mga
isyung nangyayari sa ating kapaligiran. Marami sa atin ang takot o umiiwas
pag-usapan ang mga bagay na hindi kanaisnais — isa na
rito ang isyu hinggil sa mga hinaing ng ating mga kababayang may sakit sa
pag-iisip.
Takot.
Ito ang unang impresyon natin kapag nakikita natin ang isang taong may sakit sa
pag-iisip. Takot tayong masabunutan, mabuhusan ng tubig at matapunan ng kung
ano mang bagay. Natatakot tayong kausapin sila o di kaya’y lapitan man lang.
Ngunit, hindi natin inisip ang nararamdaman nila.
Kadiri.
Isa rin ito sa unang impresyon kung
sila’y ating makikita. Nandidiri tayo kapag dumudumi sila kahit saan, mabaho
sila, at masangsang ang amoy ng kapaligirang kanilang tinatambayan. Isa sa mga
huwad na katootohanan na sa mismong mga kalye natin nakikita ay ang mga taong
grasa. Ngunit, sa tingin niyo kaya’y nakatulong tayo sa kanila?
Hiya.
Minsan nakakadama din tayo ng hiya kung lalapitan natin sila. Nahihiya tayong makita
ng ating mga kabarkada at kaklase na lumalapit tayo sa kanila. Nahihiya tayong
lumapit at baka makapagkamalan tayong isa sa kanila.
Takot,
kadiri at hiya, ilan lang ito sa mga impresyon at gawain na ating madalas gawin
kapag sila’y atin nakikita. Nakakalungkot isispin, hindi tayo nakakatulong sa
kanilang paggaling. Kung gusto nating gumaling sila agad, bakit hindi muna
natin isantabi ang ating prinsipyo at kaartehan, at tulungan silang gumaling?
Ang
ating mga kababayang may sakit sa pag-iisip ay nangngailangan ng suporta ng
pamilya, kaibigan at ng komunidad. Nararapat lamang na hindi natin sila pagkaitan
ng katarungan. Nararapat lamang dinggin natin ang kanilang mga hinaing at
pangangailangan, at sa huli naman ay buong bayan natin ang makikinabang.
Baguhin
natin ang pinta ng katotohanan. Buuin natin ang kanilang mga pangarap na buhay.
Pintahan natin ang kanilang buhay ng ngiti at kulay, upang ang mundo nila’y
magiging makabuluhan at makulay.
0 Response to "Pinta ng Katotohanan"
Post a Comment