Showing posts with label Saan. Show all posts
Showing posts with label Saan. Show all posts

Saan, Kailan at Paano?

Saan kaya ako papawirin ng aking mga paa?

Saan kaya ako ilalagay ng mga pangarap ko?
Dalhin kaya nito ako patimog o pahilaga?
Ako bay mahuhulog sa gitna’t doo’y mapapako?

Kailan kaya ako mapapadpad sa paroroonan?
Kailan ko kaya matitikman ang tamis ng tagumpay?
Makakamit ko ba talaga ang aking ninanais,
Na pag-unlad dala ng aking hirap, hikbi at pawis?

Paano ko kaya masusungkit ang aking mithiin?
Paano ko masisigurong ito ay maaangkin?
Makukuha ko kaya ito sa likha at dalangin?
O Diyos ko ang mga panalangin ko’y nawa ay dinggin.

Powered By Blogger