Showing posts with label Salamat. Show all posts
Showing posts with label Salamat. Show all posts

Salamat


Salamat sa bawat araw na bigay mo Ama,
Sa siglang hatid ng araw pasikat pa lamang,
Dalang haplos ng hanging puno ng pagmamahal,
Init ng iyong pagmamahal ay nadarama.
Sa pagpupuno ng aming mga pagkukulang,
Nawa’y tanggapin Mo, O Diyos ko, ang aming dasal.

Mama

Sa’yong pag-aaruga’t kalinga,

Heto kami’t ngayo’y malaki na,
Sa iyong pagmamahal na wagas,
Buhay nami’y naging maaliwas.

Bawat dugo’t pawis na binigay,
Sa ‘ming mga anak para mabuhay,
Pagmamahal na walang katumbas,
Na mulit muli ay mababakas.

Salamat sa pagtiyatiyaga,
Sa pagbibigay mo ng ligaya,
Kahit ano pa man ang mangyari,
Kaming lahat iyong tinatangi.

Mama ikaw ay aming idolo,
Sa pagharap ng mga pagsubok,
Na kahit pa ito ay marupok,
Ika’y hindi pa rin sumusuko.

Ikinagagalak namin mama,
Na ika’y aming mahal na ina,
Mahal ka namin magpakailanman,
Payo mo’y susundin kahit saan.

Powered By Blogger