Kalayaan
Tunay
na kalayaa’y sadyang kay hirap abutin,
Bayang
sinilangan hindi lubusang maangkin,
Bayang
biktima ng dahas at pasakit.
Kailan
pa kaya makakamit?
Tayong
mulat sa mga pangyayaring naganap,
Walang
nagawa kundi manahimik at magbingibingihan,
Sa
mga nangyaring kaguluhan at iringan.
Upang
di masangkot sa ano mang magaganap.
Pagdating
ng pusa, nagsisitago ang daga,
Sa lunggang kayliit, pinagkakasiya ang sarili.
Kung
ganito lagi, talagang kalayaa’y di makakamit.
Hanggang
ganito lang ba ang ating masusungkit?
Tandaan,
bawat minuto ay mahalaga
Kaya’t
gamitin sa wastong pagpapahalaga.
Sa
pagkamit ng kalayaang inaasam,
Huli
man at magaling ay naihahabol din.
0 Response to "Kalayaan"
Post a Comment