Juan de la Cruz


Juan de la Cruz ang kanyang pangalan,
     Bukod tangi kaninuman,
Saan man panig ng mundo siya’y iyong makikita,
     Nagtatrabaho ng marangal at kumikita.

May natatangi siyang angking kagalingan,
     Na kahit anong lahi ay hinahanaphanap
Mabait, maaruga at matalinong maturingan,
     Tapat at pulidong magserbisyo kaninuman.

Mahirap man ang mundong ginagalawan,
     Bagsakan mo man ng kahit anong bagyo,
Tatayo at tatayo ito’t babangong taas ang noo,
     Dakilang maituturing saan mang lupalop ng mundo.

Magalang, matulungin, masipag, at matiyaga,
     Ilan lang ito sa kay dami raming salita,
Na maibibigay ng kahit ninuman sa kanya,
     Magagandang katangiang sinisinta.

Ng baya’y inalipin at sinakop ng mga dayuhan,
     Bayan nito’y ipinagtanggol kahit pa ibuwis ang sariling buhay,
Dugong makabayan sa ugat nito’y lumalatay,
     Handang ipagtanggol bayang tinubuan sa kaninuman.

Sa talento’t teknolohiya’y di pahuhuli,
     Kakayahan nitong sumabay sa pagbabago
Ang magdadala dito hanggang sa dulo,
     Ng pinakaaasam na tagumpay na dapat ipagbunyi.


0 Response to "Juan de la Cruz"

Post a Comment

Powered By Blogger