Juan de la Cruz


Juan de la Cruz ang kanyang pangalan,
     Bukod tangi kaninuman,
Saan man panig ng mundo siya’y iyong makikita,
     Nagtatrabaho ng marangal at kumikita.

May natatangi siyang angking kagalingan,
     Na kahit anong lahi ay hinahanaphanap
Mabait, maaruga at matalinong maturingan,
     Tapat at pulidong magserbisyo kaninuman.

Mahirap man ang mundong ginagalawan,
     Bagsakan mo man ng kahit anong bagyo,
Tatayo at tatayo ito’t babangong taas ang noo,
     Dakilang maituturing saan mang lupalop ng mundo.

Magalang, matulungin, masipag, at matiyaga,
     Ilan lang ito sa kay dami raming salita,
Na maibibigay ng kahit ninuman sa kanya,
     Magagandang katangiang sinisinta.

Ng baya’y inalipin at sinakop ng mga dayuhan,
     Bayan nito’y ipinagtanggol kahit pa ibuwis ang sariling buhay,
Dugong makabayan sa ugat nito’y lumalatay,
     Handang ipagtanggol bayang tinubuan sa kaninuman.

Sa talento’t teknolohiya’y di pahuhuli,
     Kakayahan nitong sumabay sa pagbabago
Ang magdadala dito hanggang sa dulo,
     Ng pinakaaasam na tagumpay na dapat ipagbunyi.


Cosmos

A memorable day just ends,

The brilliant moon is cuddling us,
Sweet reveries to us it sends,
Watching it erases today’s fuss.

Diamonds hanging in the skies,
Making you wish to pick and fly,
To get in touch with the black sky,
Fly into the wide galaxies.

Oh how wonderful can it be,
To reach the cosmos flying free,
Just like the astronauts at space,
Seeing the space must be a grace.

Camiguin

Islang nasa norteng Mindanao,

Parte ng perlas ng silangan,
Sa liit nito’y iyong tanaw,
Halos lahat ng kagandahan.

Islang pinagpala ng Diyos,
Sa dami ng magandang lugar,
May hiwagang dantay na haplos,
Na makakabihag kay Ceasar.

Ihip ng hangin na sariwa,
Nagpapawala sa problema,
Sa bawat lugar na puntahan,
Ligaya’y di matutumbasan.

Islang likha ng mga bulkan,
Ngayon ay parang paraluman,
Na umaakit sa dayuhan,
Nagdadala ng kabuhayan.

Maglakadlakad sa baybayin,
Langhap mo ang sariwang hangin,
Dama mo ang kapayapaan,
Saan ka man sa kabuuan.

Prutas na Lanzones na handa,
Inaakit bata’t matanda,
Na tikman ang lasang kaiba,
Tamis nitong lahat ay sinta.

Ganda nitong di malilimot,
Pook na di masalimuot,
Iwinawaksi dalang lungkot,
Kapayapaan isinusuot.

Alaala ng Kahapon

Mga gunitang di mawaksi,

Kahapong kaysaya at kay lunglot,
Bahagi ng noon na di kailanma’y isisisi,
Sa kung sinumang taong nasangkot.

Kay sarap balikan ng masasayang alaala,
Nagpapagaan sa damdamin at problema,
Alaalang tila kailan lang nagdaan,
Ngayo’y ginugunita mula sa kung saan.

Pasakit at pagdurusang dinanas,
Nangyari upang di pagsisihan,
Kundi upang pagkunan ng aral at lakas,
Sa pagsalubong sa kinabukasan.

Kapalaran

Ang kapalaran nati’y kailanma’y di maunawaan,

Kapalaran na sadyang hindi natin mahuhulaan
Ano man ang gawin tiyak na hindi maiiwasan.
Kailangan pa bang baguhin ang dikta ng tadhana?

Ng tao ay mamulat sa mundong kinalakihan,
Kapalara’y nandiyan upang gumuhit sa ‘ting palad
Ito ay nagdikta ng bawat buhay na kapus-palad
Upang magandang bukas ay tamasain at harapin.

Galit at Muhi

Nanggigiba ng relasyon,

Sa anumang sitwasyon.
Pilit inaalis ang pinagsamahan
Ng mga tao sa nakaraan.
Pagsasama’y winawakas,
Paano nga ba ang bukas?
Kung galit at muhi,
Ang mangingibabaw muli.

Galit na nangongontrol,
Sa kahit sinuman,
Tila nagpapatrol,
Ng ating kilos sa katawan,
Upang pasidhiin ang damdamin,
Natutulog lamang sa loob natin
Nasa atin kung ano ang ipapakita sa salamin
Upang galit at muhi ay pigilan at kontrolin.



Diverse Avenues

Diversity exists in our life’s avenues,

Engaging the other way is part of the clues,
To find each distinctive ways to attain success,
And to plant and harvest the fruits of each efforts.

One person chooses the other way around them,
Another one chooses to be one’s only stem
To accomplish another person’s reveries,
But they’re happy for the results of the grown seeds.

We may wonder why some chooses their avenue,
We may wonder what factors influence their choice
We should be a friend that serves the other as lieu,
Be of assistance to them and cure their own bruise.

Walang Hanggan

O Diyos na pinagpapala

Na sa mundo’y nagbigay awa
Sa aming mga nagkasala
Ika’y nagbuhos ng biyaya.

Biyaya ng pagpapatawad,
Na sa ami’y ‘yong iginawad
Tanda ng iyong pagmamahal
Sa ‘yong mga anak na mahal.

Walang hanggan mo na pag-ibig,
Lubos naming tinatangkilik,
Ligayang ika’y nangingibig
Sami’y bigay mo nang di pihik.

Diyos namin na nasa langit,
Na sa amin ay nagbabantay
Dinggin po ninyo aming hirit
Nawa’y magbantay habambuhay.

Walang hanggang pasasalamat,
Sayo aming iniaalay,
Sa dami ng lahat mong bigay,
Matutumbasan kayang lahat?




Stance towards Life

One life is significant

In one’s life expanse;
It is our Creator’s grant
To us to provide a chance
Not just to suit what we want,
But to spread His word at once.

Like the beautiful flower,
Dazzling us every morning,
Life is intensely dazzler,
It lures us for venturing,
The time God sets to cover,
For life is worth enjoying.

Life is akin to the sky,
Its meaning is vast to seek,
To know while it passes by,
We just need to be meek,
Be calm and impede to lie,
And pray to Him up on high.

Like the chute on the mountain,
That must fall into the ground,
We should fall for us to train,
To realize how life is round
And beat life’s snags on the lane;
And restart new times around.


Tears Talk

Dewdrops of water that roots from within,

Bare eyes can’t read its different reasons;
It must be read like the lines in between,
To capture reasons behind the seasons.

Tears sway from what emotions has bequeath
When someone struck the heart of its holder,
Tears expose the emotions underneath
And talks to make someone to be stronger.

Bare faces doesn’t display emotions
Tears give meaning to display expressions,
That might grasp someone’s hidden intentions,
To cease misunderstandings and commotions.

Time

Time must be well spend

As important as money a person needs to intend

Checked
As a key document to be passed

Noticed cautiously
So that it might not be wasted carelessly

Seriously allocated to events
So that it won’t caused predicaments

Must be carefully studied
In order to give some of these to those who need.





Dagat

Sa bawat paghampas ng alon sa dagat,

Dala nito’y masasayang alaala,
Simula ng magkaisip at mamulat.
Ala-alang nalikha ng mga musmos,
Na pawang magaganda at malikhain,
Na siyang nagpapagaan sa damdamin.

Kay sarap maglaro sa alon ng dagat,
Pinapawi nito ang problema’t lungkot,
Na bumabalot sa pagkatao ninuman.
Kay sarap balikan ng mga alaala
Nagugunita sa paghampas ng alon,
Tila huminto, panahon sa pagtakbo.

Kasiyaha’y di lamang dala ng dagat,
Maaari din itong may dalang badya,
Sa taong may alaalang mapapait,
Na kahit pa ito ay kaakit-akit,
Mata ng tao’y walang ibang maukit,
Kung hindi kalungkutan lamang at sakit.

Bawat titig sa dagat ay naiiba,
Nasa taong tumititig ang emosyon,
Kung dapat siyang masaya o malungkot,
Desisyon nya ang mangyayari sa kanya,
Hahayaan ba niyang maging malungkot?
O sasabay siya sa alon ng dagat?

Kalayaan

Tunay na kalayaa’y sadyang kay hirap abutin,

Bayang sinilangan hindi lubusang maangkin,
Bayang biktima ng dahas at pasakit.
Kailan pa kaya makakamit?

Tayong mulat sa mga pangyayaring naganap,
Walang nagawa kundi manahimik at magbingibingihan,
Sa mga nangyaring kaguluhan at iringan.
Upang di masangkot sa ano mang magaganap.

Pagdating ng pusa, nagsisitago ang daga,
 Sa lunggang kayliit, pinagkakasiya ang sarili.
Kung ganito lagi, talagang kalayaa’y di makakamit.
Hanggang ganito lang ba ang ating masusungkit?

Tandaan, bawat minuto ay mahalaga
Kaya’t gamitin sa wastong pagpapahalaga.
Sa pagkamit ng kalayaang inaasam,
Huli man at magaling ay naihahabol din.

Powered By Blogger