Tunay na Kapayapaan

Lahat ng tao ay nagkakaintindihan,
Bata at matanda ay nagmamahalan,
Saan ka man pumunta, may kaayusan.
Kay sarap mamuhay sa katiwasayan.

Bawat tao, karapat-dapat magsikap
Upang kapayapaaĆ½ ating makamtan.
Kapayapaan, sa sarili simulan,
Upang mapatatag ating sinimulan.

Tayo’y maging modelo at mag-ingganyo,
Ating isulong ang ating karapatan,
Kapayapaan ating ipalaganap.
Tayo ay magsimula ng bagong mundo.

0 Response to "Tunay na Kapayapaan"

Post a Comment

Powered By Blogger