Kamusmusan

Kamusmusa’y kadalasa’y nasasabing isang kahinaan,
Kahinaang magpapataob sa iyong kakayahan,
Subalit, talaga bang ito’y maituturing na kahinaan?
Maituturing ba nating ang kamusmusa’y isang kahangalan?
Kahangalang maglalapit sa kapahamakan?
Na magdudulot ng kasawian?

Ako’y nasabihan ng isang kakilala,
May nakita raw siyang batang musmos sa gilid ng kalsada,
Namimigay ng pagkain sa mga taong di niya kakilala.
Kakaunti lang ang pagkaing dala ng bata,
Ngunit walang kimi siyang namigay.
Kung tayo kaya ang nasa kalagayan ng bata,
Mamimigay kaya tayo?

Kahangahangang bata di ba?
Musmos pa lang marunong ng mamigay sa kapwa,
Marunong ng magsakripisyo para sa kapakanan ng iba,
May prinsipyo ng pinaninindigan,
Tayo kaya?
Kakayanin ba natin?


0 Response to "Kamusmusan"

Post a Comment

Powered By Blogger