Sandalan

Samahang tila kailan lang nabuo,
Ngunit kakabit nito’y walang kapantay na alaala,
Anim na indibidwal nagkatagpo sa kolehiyo,
Sana’y di magwakas ang simbuyong nabuo mula sa simula.

O kay sayang balikbalikan, mga ala-alang nangyari,
Mga memoryang di ko maalintalang lumipas,
Mga sandaling magkasama sana’y di magwakas,
Sabay nating alalahanin ating pagsasamahan at ating itangi.

Sa panahon ng problema’t kalungkutan,
Umiyak man ay di ko magawa,
Kalungkutan inyong pinapawi sa aking damdamin at mukha,
Naririyan kayo’t nagpapatawa at nag-aalay ng balikat na masasandalan.

Kaibigang tunay kayong aking maituturing,
Kahit kailanman di ko kayo lilimutin,
Sa hirap at ginhawa kayo’y di iiwanan sa pangpang,
Kaya’t inaalay aking sarili para gawin din niyong sandalan.

Ilang dagat at bukid man ang ating pagitan,
Saan dako man ng mundo tayo mapadpad,
Sana’y pagkakaibigan natin di kalianman makakalimutan,
Bawat isa ay para sa lahat, sandalang maituturing kahit gaano katayog ang lipad.

5 Response to "Sandalan"

  1. Kriskentin says:
    June 1, 2013 at 4:20 AM

    A Poem Made especially for the following people:
    Ranilyn Marie Angus
    Geneve Lucenara
    Regine Luspo
    Cherielene Namuag
    Jonalin Turno

    Thank you so much for being my friends. I am always here for you all, like you always do to me. You’ll always have a special part in my heart. Hope you will all never give up on having me as your friend. :)

  2. Jonalin Gica Turno says:
    June 2, 2013 at 8:58 AM

    WOW tin! So touvhing. Damang-dama ko ang pagtatagalog mo! Ruuuu. Yesh, we'll be friends as in... :D Muah.

  3. Jonalin Gica Turno says:
    June 2, 2013 at 8:59 AM

    *touching... ^_^

  4. Unknown says:
    June 6, 2013 at 6:47 AM

    Grrrrrr :'))))

  5. Kriskentin says:
    June 10, 2013 at 7:49 AM

    haha..as in damang dama jo..hahah :D

Post a Comment

Powered By Blogger