Sa'yo Iniaalay at Iaasa
Panginoong pinagpala,
natatangi sa lahat
Salamat dahil sa kabila
ng aking pagkakalat
Sa kabila ng lahat ng
aking kapintasan at kasalanan
Ako’y binabalot mo pa
rin ng ‘Yong walang kapantay na pagmamahal.
Salamat dahil binubuno
mo aking isip at kalooban,
Ng mga bagay na puno ng
kabutihan at aral.
Patawad dahil inakala
ko noon na ako’y iyong iniwan,
Patawad dahil bumitaw
ako sa aking pananalig,
Patawad dahil akala
ko’y ‘yong pinagkaitan
Ng biyayang handog mo
sa iba kong kapanalig.
Sa bawat pagpatak ng
ulan at pagdausdos ng bagyo sa ‘king buhay
Akala ko’y ako’y Iyong
iginigiit na Iyong anak.
Patawarin mo ako Ama.
Sana makamit at maabot
ko ang aking mga panagarap at mithiin.
Nawa’y tulungan mo at
ipagkaloob mo po ang aking hiling.
Sana Panginoon maging
buo pa rin tayo, kasama ng aking pamilya,
Sana’y maging kaakibat
kompo kayo parati sa pagdating ng mga pagsubok at problema.
Nawa’y h’wag kayong
magsawa sa pagbibigay ng biyaya,
Panginoon ko, buhay
ko’y Sayo Iniaalay at Inaasa.
AMEN.
1 comments